Lalaki nagbigti sa hotel

ISANG 37 anyos na lalaki ang natagpuang patay sa room 312 ng ikatlong palapag ng hotel sa Ermita, Manila na ayaw pabanggit ang pangalan.

Kinilala ang biktima na si Leonard Brandon Gaw, ng Ibayo, Marilao, Bulacan.

Sa report ni SPO2 Henry Ignacio,ng MPD-Homicide Section, dakong alas 3:20 Lunes ng hapon ng madiskubre ang pagkamatay ng biktima.

Posible umanong sawi sa pag-ibig ang biktima nang hindi ito sipUtin ng kanyang ka-date na nataon sa kanyang kaarawan.

Sa salaysay ng isang staff ng nasabing hotel, nakatakda umano  itong maglinis sa tinutuluyang kuwarto ng biktima nang mapansin niyang bukas ang pintuan ng kuwarto at nakita na  may mga nakalapag na gamit sa kama.

Pagsilip nito sa gawing palikuran ay tumambad sa kanya ang paa ng biktima na nagingitim na at nakatali ang leeg nito ng kulay brown na leather na sinturon na nakatali naman sa stainless na sabitan ng kurtina.

Nabatid na nag-check-in ang biktima Linggo na kaaarawan nito at nakatakda umano sanang mag-check-out Lunes,subalit hindi pa rin lumalabas ng hotel kaya sinadya ito ng  hotel staff kasama ng dalawa pa.

Ayon kay Ignacio,possible umanong ilang oras nang patay ang biktima  dahil maitim na ang mga paa nito.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pangyayari.- Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply