Lalaki nalapnos sa sunog sa Pasig

NAGTAMO ng lapnos sa mga braso at katawan ang isang lalaki nang masunog ang isang residential-commercial compound sa Lungsod Pasig madaling araw ng Biyernes, Pebrero 11.

Kinilala ni Fire Supt. Ricardo Perdigon, fire marshall ng Pasig, ang nasugatan na si Rolando de Mesa, 32, stay-in worker sa laundry shop sa Countryside ave., Barangay Santa Lucia,

Nagsimula umano ang apoy mag-aalas-tres ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon, faulty electrical wiring ang sinasabing dahilan ng sunog.

Kasamang tinupok nito ang dalawang bahay at tatlo pang establisimiyento.

Umabot ng fourth alarm ang sunog bago ganap itong naapula alas-kwatro ng umaga. Jun Ferrer

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply