Lalaki tumalon sa gusali, tigok

NAGKALASUG –LASOG ang katawan ng isang lalaki makaraang tumalon sa roof top ng isang gusali sa Makati City, Sabado ng madaling araw, Pebreo 26.

Ayon kay SPO1 Noel Pardines ng Makati City Police, ang biktima ay kinilalang si Mario Asuncion,  nasa hustong gulang at stay-in helper sa No. 3482 Honda st., Brgy. Pinagkaisahan na naturang lunsod.

Sa inisyal na report, lumalabas na nakita ang biktima na malalim ang isnisip bago ito nagtungo sa roof top ng gusali.

Inakala pa ng mga kasamahan nito na magpapahangin lamang ang biktima sublit dakong 1:00 ng madaling araw, bigla na lalamang itong tumalon mula sa ikalimang palapag ng gusali.

Inaalam na ng pulisya ang motibo ng pagpapatiwakal ng biktima at hinihinalang problema sa pamilya ang dahilan ng pagpapakamatay nito. Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply