Lalaking tumalon sa LRT2, natukoy na

NATUKOY na ng awtoridad  ang pagkakakilanlan ng lalaking tumalon umano sa LRT-Betty Go Belmonte nitong Sabado, Pebrero 26.

Kinilala ni Atty. Hernando Cabrera, spokesman ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang  biktima na si Eleno Torbilla resindente barangay Pembo, Makati City.

Batay sa naunang pagsisiyasat ng awtoridad, nangyari ang insidente bandang 3:30 ng hapon noong Sabado.

Lumalabas na tumalon umano ang biktima sa may LRT2-Betty Go Belmonte station at bumagsak ito sa isang construction site.

Nagawa pang maisugod sa ospital ang biktima subalit makalipas ang dalawang oras ay binawian na ito ng buhay. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply