Laylo kasalo sa 1st place sa Aeroflot chess

PINASAYA ni Grandmaster Darwin Laylo ang mga Pinoy matapos makisalo sa first to third places sa Group B matapos manalo sa last round sa katatapos na 2011 Aeroflot Open Chess sa Moscow, Russia.

Pinisak ni Lalylo, (ELO 2516) si GM Alexie Gavrilov (ELO 2484) ng Russia upang saluhan sina GMs Nikolai Kabanov (ELO 2482) ng Russia at Tigran Kotanjian (ELO 2519) ng Armenia na may tig 7.0 sa event na ipinatupad ang nine round Swiss System sa lahat ng grupo.

Nauwi sa tabla ang laban nila Kotanjian at Kabanov subalit matapos ipatupad ang tie-break points ay tinanghal na kampeon ang una habng tersero ang huli at pangalawa si Laylo.

Ang ibang Pinoy wood pushers na nasa Group B ay sina International Master Richard Bitoon (ELO 2461) na lumanding sa 25th place matapos makipaghatian ng puntos kay GM Xue Zhao (ELO 2494) ng China.

Nasa 37th to 42nd places sina IM Oliver Barbosa at GM John Paul Gomez na may tig 5.0 habang nasa 50th place si IM Oliver Dimakiling na may 4.5 puntos.

Samantala, nabigo naman si Paulo Bersamina sa Group C kaya nalaglag ito sa 22nd place na may total 5.5 pts.

Yumuko si Bersamiona (ELO 2059) kay Bogdan Belyakov (ELO 2293) ng Russia. Si David Shahinyan (ELO 2271) ng Armenia ang nagkampeon sa Group C sa itinalang 8.0 puntos. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply