Laylo kunyapit pa rin sa tuktok

KASALO pa rin sa tuktok si Pinoy GM Darwin Laylo papasok ng penultimate matapos makipaghatian ng puntos kay GM Tigran Kotanjian ng Armenia sa round seven ng 2011 Aeroflot Open Chess sa Moscow, Russia.

Nakalikom si Laylo, (elo 2516) ng 5.5 puntos upang makasama sa unahan ng group B si round 8 opponent GM Dorian Rogozenco, (elo 2534) ng Romania, GMs Kotanjian, (elo 2519), Yang Wen, (elo 2509) ng China, Nikolai Kabanov, (elo 2482) ng Russia at Vladimir Belous, (elo 2497) ng host country.

Muling lumagapak si GM John Paul Gomez, (elo 2527) at manatili sa 4.5 ang kanyang puntos sa event na ipinatupad ang nine round swiss system sa lahat ng grupo.

Yumuko si Gomez kay Kabanov kaya naman kailangan maipanalo ng una ang dalawang natitirang laro upang makasama sa top ten.

Samantala, sumisipa pa rin si Paulo Bersamina, (elo 2059) sa group C matapos manalo kay Andrey Sergeev, (elo 2075) ng Russia.

May total scrore na 5 pts. si Bersamina upang makisalo ito sa fifth to 15th place kung saan ay makakaharap niya sa susunod na laban ang isa pang Ruso na si Eduard Khatoev, (elo 2270).

Si Tigran Simonian, (elo 2271) ng Armenia ang komokopo ng unahan na may 6.5 pts. Elech Dawa

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply