Leeg ng construction worker laslas sa 2 kainuman

PATAY ang isang construction worker nang pagtulungang bugbugin at saksakin gamit ang basag na bote ng kanyang dalawang kainuman sa Pasay City, Linggo ng umaga, Pebrero 27.

Laslas ang lalamunan at tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang datnan ng awtoridad ang bangkay ng biktima na kinilala lamang sa pangalang Melanio Magbago, ng Titanic bridge, Tramo Street, sa naturang lungsod.

Ayon sa pahayag ni Agapito Nueva Jr., isa sa kasamahang manggagawa ng biktima, alas-6 ng umaga nang iwanan niyang nag-iinuman ang biktima at mga suspek na sina Chistopher Vicencio at Antonio Villareal.

Dakong 10 ng umaga nang marinig ni Allan Geotuna na nagkakagulo na sa loob ng inuupahang bahay ang mga nag-iinuman at nakitang lumabas ang dalawang suspek na pawang may dugo sa katawan.

Nang maka-alis ang dalawa ay sinilip ni Geotuna ang loob ng bahay pero laking gulat nang makitang nakahandusay na duguan at wala nang buhay ang biktima.

Pinaghahanap na ng pulisya ang dalawang suspek. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply