Ligal ang plea bargain ni Garcia – Ombudsman

IGINIIT ng Office of the Ombudsman na legal at balido ang pinasok nilang plea bargaining agreement kay Major Gen. Carlos Garcia.

Anila, mali ang assessment ni Department of Justice Sec. Leila de Lima sa Senado, kung saan sinang-ayunan niya ang opinyon ni UP Dean Marvic Leonen.

Matatandaang sa liham na ipinadala sa Senado ni Leonen, sinabi niyang ang plea bargaining agreement ay void  o walang halaga sa simula pa lamang dahil wala itong consent o pagpayag ng offended party, — ang Armed Forces of the Philippines.

Nilinaw ni Deputy Special Prosecutor Jesus Micael na ang probisyon ng Rules of Court na sinasabi nina de Lima at Leonen ay applicable lamang kung ang offended party ay pribado.

Sa kaso umano ni Garcia, ang offended party ay “People of the Philippines” na mismong Office of the Ombudsman ang nagre-represent sa pamamagitan ng Office of the Special Prosecutor.

Binigyang diin ni Micael na ang nagrereklamo ay hindi ang AFP kundi ang mga tao sa pamamagitan ng public prosecutor.

Ani Micael, ang otoridad ng Ombudsman na pumasok sa isang plea bargaining agreement ay maaaring ibatay hindi lamang sa Rules of Court kundi batay sa Republic Act 6770, na siyang lumikha sa Office of the Ombudsman.

Aniya, sinumang kumukwestyon sa validity ng Garcia plea bargaining agreement ay maglahad na lamang ng reklamo sa Sandiganbayan. Nenet Villafania

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply