Libong aplikante dumagsa sa PCG

LIBONG aplikante ang dumagsa upang punuan ang ilang posisyon sa Philippine Coast Guard.

Ayon kay PCG spokesman Armand Balilo, umaabot sa 12,500  katao ang kumuha ng itinakdang pagsusulit para sa 572 bakanteng posisyon.

Malaki ang paniniwala ng opisyal na  dahil sa ipinakikitang maayos na serbisyo ng ahensiya ang dahilan kung kaya dumagsa ang mag aplikante.

Nagpapatunay din aniya ito na kinukunsidera ng mga kabataan ang maritime service.

Ang PCG ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Ayon pa kay Balilio, bagamat hindi sila pulis o sundalo at hindi rin maituturing na civilian, napapahalagahan aniya ng mamamayan  ang kanilang paglilingkod sa maritime sector.

Ang PCG ang kaagapay ng gobyerno sa pagpapanatili ng marine enivironmental protection and  marine security at industriya ng  turismo.

Ang PCG din ang pangunahing ahensiya na agad-agad tumutugon sa trahedya at mga kalamidad sa karagatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply