Libong pasahero stranded sa banggaan ng tren sa Edsa

LIBONG pasahero ang na–stranded makaraang magbanggaan ang dalawang tren ng Light Rail Transit (LRT -1) sa Quezon City, Biyernes ng umaga, Pebrero 18.

Sa ulat ng LRT–1, pansamantalang natigil ang operasyon ng dalawang tren nang isa rito ay nadiskaril at lumundag sa kabilang riles dahilan para mabangga ang isa pa na maswerteng wala pang sakay na mga pasahero, 10 ng umaga sa LRT station Roosevelt, Quezon City.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa matiyak kung kailan maibabalik sa normal ang biyahe ng dalawang tren.

Tuloy-tuloy naman ang operasyon mula Baclaran hanggang Monumento matapos magsagawa ng inspection ang security personnel sa apektadong tren.

Samantala, isang taxi naman ang napinsala matapos mabagsakan ng debris mula sa banggaan ng dalawang coach ng tren.

Ayon sa driver ng taxi na si Reynaldo Lacsina , 37, ng Ilang Ilang st., Bgy. Concepcion , Tala , Caloocan city, binabagtas niya ang Edsa nang mabagsakan ang minamaneho ng aluminum mula sa itaas ng LRT station dahil sa nagbanggaang tren. Santi Celario/James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply