Libong residente sa paligid ng Bulusan inilikas

INILIKAS na ang may 2,000 residente sa paligid ng Mt. Bulusan, Sorsogon matapos nitong magbuga ng abo.

Sinuspinde na rin ng Department of Education (DepEd) ang pasok sa mga eskuwelahan sa bayan ng Juban, Irosin at Bulan upang magamit ang mga silid-aralan bilang pansamantalang panuluyan ng mga naapektuhang residente.

Naitala naman na may 38 kabataan ang nakararanas ng suffocation dahil sa makapal na ash fall.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum,  naitala ang pagsabog na itinuturing na steam-triggered explosion sa bulkan.

Sinabi ni Solidum na umabot sa dalawang kilometro ang buga ng abo. Marjorie Dacoro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply