Libreng condom sa Valentine’s Day tinuligsa ng mga Obispo

UMANI ng pagtuligsa mula sa mga opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pamamahagi ng Department of Health (DoH) ng libreng condom ngayong Valentine’s Day.

Nanawagan ang CBCP sa DOH ngayon (Lunes, Pebrero 7) na tigilan na ang pamimigay ng condom sa mga mag-asawa o magkasintahan ngayong nalalapit na ang Valentine’s Day.

Namimigay ang DOH ng libreng condom bilang bahagi ng kampanya nito kontra sa pagkalat ng Human Immunodeficiency Virus/Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS).

Ayon kay Fr. Melvin Castro, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Family and Life, binibigyan lamang ng DOH ang mga ito ng maling impormasyon at pagpapahalaga, lalo na ang mga kabataan.

Aniya, nangangahulugan lamang ito na payag ang gobyerno na magtalik ang mga magkasintahan bago pa man sila ikasal, bagay na mahigpit na tinututulan ng Simbahang Katoliko.

Matatandaang unang namigay ang DoH, sa pamumuno ni dating Health Secretary Esperanza Cabral, ng mga condom noong Valentine’s Day ng nakaraang taon.

Ngunit para kay Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA), malinaw na ang ginagawa ng DoH ay may kinalaman sa aktuwal na sexual activities at dapat lang ikondena. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply