Libong residente, inilikas dahil sa Mt. Bulusan

KINAILANGANG lumikas ng may 2,000 residente sa paligid ng Mt. Bulusan, Sorsogon makaraan ang muling pagbuga nito ng abo.

Dahil dito, sinuspinde na rin ng Department of Education (DepEd) ang pasok sa mga eskuwelahan sa bayan ng Juban, Irosin at Bulan upang magamit na ring pansamantalang panuluyan ng mga naapektuhang residente.

Naitala naman ang may 38 kabataan ang nakararanas ngayon ng suffocation dahil sa makapal na ash falls.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Dir. Renato Solidum, naitala ang pagsabog na itinuturing na steam-triggered explosion sa bulkan.

Sinabi ni Solidum umabot sa dalawang kilometro ang buga ng abo kung saan apektado ng ash fall ang maraming bayan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply