Libya ngayon; Yemen, Qatar, Bahrain, Algeria bukas?

NGAYON pa lang ay puno na ang kamay nina PNoy kaugnay ng mga kaguluhang nagaganap sa Libya.

Paano kung sisiklab ang matinding gulo sa Yemen, Bahrain, Qatar, Algeria, Oman at iba pang bansa sa Gitnang Silangan?

Binanggit natin ang nasabing ibang mga bansa dahil umuusok na ang mga ito dahil sa people power na gusto ng kanilang mga mamamayan.

Kung may 1,000 nang patay kasi sa Libya, may mga patay na rin sa Yemen at Bahrain.

Paano kung magkaroon din ng katulad na patayan sa Libya sa ibang mga bansa, kabilang na ang Qatar at Algeria?

oOo

Bulabugin natin ang pamahalaan.

Mayroon na bang mga plano at programa ang pamahalaan para sa iba’t ibang gulo sa iba’t ibang bansa?

Baka naman pa-easy-easy lang nilang sabihin na “we cross the bridge when we get there.”

Ngayon pa lang ay dapat nang naghahanda ang gobyerno ng mga malawakang evacuation sa mga bansang kumukulo ang mga people power bukod sa Libya.

Ayaw nating marinig ang mga nasa pamahalaan na unang tatakbo sa Interna-tional Organization for Migration.

Ayaw din nating marinig ang mga palahaw para sa tulong ng ating mga overseas Filipino worker at hanggang press release lang ang pag-aasikaso sa kanila ng pamahalaan.

Sa ibang salita, mga Bro, nasaan ang mga pondo, eroplano, barko at bus ng mga taga-Department of Foreign Affairs, Philippine Overseas Employment Administration at Overseas Workers Welfare Administration?

Nasaan ang mga escape route ng mga OFW?

Nasaan ang mga tauhan ng ating mga embahada, konsulado at labor attache?

oOo

Napapansin natin, mga Bro, may mangilan-ngilan lang sa mga opisyal ng pamahalaan ang interesado sa problema, bukod sa Malakanyang.

Mas gusto pa ng mga ito na pag-usapan ang kanilang mga pork barrel at komisyon dito, paghahanda para sa 2013 na halalan at iba pa.

Hindi sila naniniwala sa OFW voting power kaya wala sa kanila ang interesado rito.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.phBenny Antiporda

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply