Lider ng carnap gang, 5 pa timbog

PINANINIWALAANG nabuwag ng pulisya ang isang “Bino Dacer carnapping syndicate” na nag-ooperate sa Metro Manila sa pagkakaaresto ng isang ex-rebel na itinuturong leader at lima pang kasamahan nito sa San Juan City.

Kinilala ni San Juan City chief of Police P/Sr. Supt. Popoy Lipana, ang mga naarestong  suspek  na  sina Bino Dacer, 42, rebel returnee at civilian agent ng ISAFP MIG 19, ng No. 1109 Santolan St., Camarin, Caloocan City; Alberto Subaldo, 56, ng No.81-A. Cotabato St., Bagong Bantay, Quezon City; Nelson Semania, 48, ng No.5-Barangka St., Twin River Subd., Brgy. Nangka, Marikina City;  John Ferdinand Robles, 38, ng No.356 Bontoc St., San Jose Del Monte, Bulacan; Russel Garcia, 35, ng No.777-Bansal St., Meycauayan, Bulacan; at ang kasabwat na driver na si Romar Solis, 25, ng No.3176 Bohol St., Sampaloc, Manila.

Ang mga suspek ay isa-isang nasakote matapos na ireklamo ng negosyanteng si Brigido Oglingkuan, 65, may-asawa, ng Van Buren St., North Greenhills, ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga noong Pebrero 9, nang mapuna nito na nawawala sa kanilang garahe ang kanyang dark green na Honda CRV na may plakang ZLU-69.

Nang tanungin si Solis ay itinanggi nito na may kinalaman siya sa pagkawala kung kaya’t nagtungo sa himpilan ng pulisya si Oglingkuan dala ang CCTV footages sa kanyang bahay.

Dito na nakita na mismong ang driver nilang si Solis ang naglabas sa garahe at umamin naman na ibinigay niya sa leader ng grupo.

Narekober naman ang sasakyan ni Oglingkuan sa parking lot ng CSI Warehouse Club sa Sitio Sudsuran, Poblacion, Alaminos City, Pangasinan. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply