Ligawan sa Twitter nauuso!

LOVE is on the air at nasa cyber space na rin ito. Talagang moderno na ang panliligaw ngayon.

Matapos ang paanyaya ng manlalaro ng Azkals na si Phil Younghusband kay Angel Locsin na mag-date ay tila naggayahan na ang iba.

Kakaloka ang pagpapakita ng interes ng sikat na basketbolista na si Simon Atkins kay Kim Chiu.

Sa pamamagitan nga ng Twitter account ibinulalas ng basketbolista ang pagkagusto niya kay Kim Chiu. At hiningi niya ang tulong ni Josef Elizalde, na La Sallista ding kagaya niya.

Si Josef din kasi ay isang dating teen housemates ng “Pinoy Big Brother”  teen edition, nakasama rin niya si Kim sa seryng “My Girl” at pareho silang nasa bubungan ng Dos.

Anang tweet ni Simon kay Josef:”Pssst Kim chiu! pakilala mo ako haha.”

Dahil sa naturang tweet na iyon ni Simon ay nag-react agad ang fans at nabuo ang “SiKim” (Simon, Kim).

Samantala, mas gusto muna ng manlalaro na makilala si Kim ng pormal bago niya ito yayaing makipag-date. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply