Ligot ‘di apektado sa suicide ni Reyes

WALANG chilling effect o  hindi maninindig  ang balahibo ni General Jacinto Ligot sa pagkamatay ni  dating Armed Forces chief Angelo Reyes na kapwa niya ay iniimbestigahan ng dalawang kapulungan hinggil sa multi million fund mess sa military.

Ayon kay Ligot nang tanungin kung ang kamatayan ba ni Reyes ay magdadala ng chilling effect sa kanya at iba pang  resource persons na iimbitahan ng Kongreso at Senado ay hindi ang sagot ng heneral.

Sinabi pa ni Ligot na  siguro masyadong tinamaan lamang si Reyes sa isinasagawang imbestigasyon sublit hindi naman nito umano batid ang tunay na dahilan bakit nagpakamatay sa kasagsagan ng house at senate probe.

Naniniwala naman ang heneral na dahil sa pagkamatay ni Reyes ay tiyak na magpapatuloy pa ang imbestigasyon at magtatagal pa umano ito.

Aminado naman si Ligot  na nararamdaman din niya ang matinding pressure na inabot ni Reyes  sa mga pagdinig.

Si Ligot ay dating AFP Comptroller na pinalitan ni Mgen Carlos Garcia na kapareho niya ay may kinakaharap na kaso pandarambong sa Ombudsman at inaakusahang may walong bahay sa US sa likod ng sahod nitong P34,000 lamang isang buwan.

Kaugnay nito nakahanda  umano ang AFP  na makipagtulungan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa gagawing pagsusuri sa ari-arian at lifestyle ng kanilang mga opisyal.

Sinabi  ni AFP Spokesman Jose Mabanta, wala silang nakikitang problema sa hakbang ng BIR at makatutulong nga ito sa kampanya para sa transparency. Verlin Ruiz

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply