Ligot isinugod sa Senate clinic

DINALA si dating AFP comptroller Jacinto Ligot sa klinika ng Senado dahil sa pagtaas ng presyon ng dugo.

Sa isinasagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa mga katiwalian sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay ginisa ng mga senador si Ligot, dahilan kaya tumaas ang presyon ng dugo nito.

Ayon kay Sen. Teofisto “TG” Guingona III, chairman ng nasabing komite, na-high blood si Ligot at aniya ay naging abnormal ang blood sugar nito sa kasagsagan ng pagdinig.

Nagisa si Ligot na sinasabing nakapagbulsa ng P740 milyon pondo mula sa AFP at natuklasan pa na mayroong mga ari-arian sa Estados Unidos at Pilipinas na nakapangalan sa kanyang misis na si Erlinda Ligot, nauna nang hindi sumipot sa pagdinig dahil naka-confine naman sa ospital. Bineza Zapanta/Photo by Rudy Rabulan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply