Ligot may kakuntsaba sa ‘itaas’ sa pagnanakaw sa AFP – Drilon

MALAKI ang paniniwala ni Sen. Franklin Drilon na mayroon pang mas mataas kay dating AFP comptroller ex-B/Gen. Jacinto Ligot kaya’t nakakulimbat ito ng mahigit P740 milyon cash mula sa iba’t ibang budgetary items sa Armed Forces of the Philippines (AFP) partikular ang pabaon system.

Sa panayam, sinabi ni Drilon na imposibleng nag-iisa lamang si Ligot sa pangungulimbat sa AFP at umabot sa milyong dolyar ang naideposito sa bangko bukod pa sa hinihinalang 10 house and lot sa US.

“Imposibleng sa kanya lahat ‘yon. Sino ang nasa likod niya? Who is behind Ligot considering the sums involved went in and out of his account,” giit ni Drilon.

Kahit ayaw banggitin ni Drilon na malamang mapunta sa Palasyo ang itinuro niyang”itaas”, nagpahiwatig naman siyang hindi magagawa ni Ligot na kumulimbat ng mahigit P740 milyon kung walang basbas ng isang opisyal na may kapangyarihan sa naturang pondo.

“I do not know (kung sino sa itaas). Somebody has access to these kinds of sources. So brazen.  Quarter of a billion in cash. How do you imagine that? In four years. Ang suweldo niya P30,000 a month,” himutok ni Drilon.

Kaya’t naniniwala si Drilon na parang “small fry” o dilis lamang si dating AFP comptroller ex-Gen. Carlos Garcia na natuklasang nangulimbat din ng mahigit P430 milyon kasama na ang ilang magagarang sasakyan at ari-arian.

“Oo. Si Garcia P303 million plus P128 million, kasama na ang fixed assets doon, that’s only about P430 milion. Aba eto sa cash pa lang ay P740 million na, in pesos and in dollars. Mabigat. Hindi pa kasama yung mga bahay niya,” giit ni Drilon.

“Kaya nga. The question is was he fronting for somebody. I could not believe that all these money was for his account. Somebody has to give him instructions,” paliwanag pa ng senador.

Aniya, mahirap man hanapin o tuklasan kung sino ang kakuntsaba ni Ligot, ipapako naman ang kanyang atensiyon sa lahat ng imbestigasyon at pag-aaralan ang mga dokumentong nakalap ng Senate Blue Ribbon upang makahanap na ilang senyales.

“Mahirap, pero maghananap tayo ng mga senyales,” aniya.

Humahanap din ng “butas” si Drilon upang papanagutin ang mga bangkong pinaglagakan ng salaping nakaw ni Ligot at makalikha ng kaukulang panukala na pipigil sa masyadong kaganidan ng mga bangko.

“Precisely. That’s what I’m leading to. Simply because of the greed of these banks,” patapos ni Drilon. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply