Lim ‘di nasindak sa bomb threat

BIGO ang “frank caller” na bulabugin  ang mga dumalo sa “People’s Day” ni Manila Mayor Alfredo Lim sa Bulwagan ng Katarungan matapos na balewalain lamang ang itinawag nitong sasabog na bomba.

Alas-10 ng umaga noong Biyernes, Pebrero 18, ng matanggap ni  Dolores Vila, 31 ang isang tawag na  mula sa  isang  lalaki na nasa edad  20-25  na nagsabing  dapat nang palabasin ang mga empeyado at sibiliyan na nasa gusali dahil may sasabog na bomba.

Inanunsiyo naman ni Lim sa People’s Day ang bomb threat kasabay ng pahayag na “may bomb threat, kung sino ang natatakot, ay maaari ng lumabas, ako maiiwan dito.”

Subalit tila walang epekto ang tawag dahil tuluy-tuloy pa rin ang paghingi ng tulong ng mga residente at brangay officials sa alkalde.

Sa kabila nito, sinabi ni Chief Insp. Marcelo Reyes, hepe ng Manila City Hall Detachment, tumawag pa rin sila sa Manila Police District –Explosive and Ordnance Division (MPD-EOD) para beripikahin ang tawag.

Negatibo naman ang resulta ng isinagawang inspeksyon.

Sinabi ni   Reyes na  basta mga  frank calls, 99.9 porsiyento na hindi totoo ang isyu subalit standard operating procedure pa rin na beripikahin ito. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply