Live coverage sa Maguindanao masscare trial pakiusap ng Palasyo

PATULOY na makikiusap ang Malakanyang sa Korte Suprema na payagan na isapubliko ang ginagawang pagdinig sa Maguindanao massacre kung saan higit 50 katao ang walang awang pinatay noong 2009.

Sinabi ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda na kaisa sila ng 9 mula sa 10 bilang ng mga Pinoy na nais na magkaroon ng live coverage ang karumal-dumal na krimen sa Maguindanao kung saan dawit ang ilang miyembro ng pamilya Ampatuan.

“I’ll go for that. Of course we will go for that. It is a trial supposedly one of most gruesome murders in the century to have 57 journalist murdered in one fail sweep is a totally terrible. And we’d go for the hearing of the Maguindanao trial,” sabi ni Lacireda.

Hiniling umano nila ang tungkol dito sa Supreme Court. “Yes we did, president issue raw wrote a letter to the Supreme Court asking for a live coverage for Maguindanao trial and we continue to plead to the SC to allow the live coverage of the Maguindanao massacre trial,” dagdag nito.

Sa ulat, 90 porsiyento ng mga Filipino ang nagpahayag ng kanilang interes na mapanood ng live ang pagdinig sa Maguindanao massacre.

Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS), nakapagtala ng “satisfaction rating” ang pamahalaan sa paghawak sa nasabing kaso kung saan ang dating poor rating ay naging neutral na.

Nakasaad pa sa naturang survey na 70 porsiyento ng mga na-interview mula Nobyembre 27-30 ang nagsabing sila ay “very/somewhat closely” na tumututok sa mga pangyayari hinggil sa masaker. Walang pagababgo noong mag-survey ng Setyembre.

Pinaboran ng mga respondents sa Mindanao ang pagkakaroon ng TV coverage ng pagdinig kung saan nakakuha ito ng 92 porsiyento, na sinundan naman ng Visayas na may 91 porsiyento habang ang  Luzon ay nakakuha ng 89 porsiyento at sa Metro Manila ay 88 porsiyento.

“Ninety-seven percent of the class A,B,C respondents also favored a televised trial, with the figure dipping to 90 percent among the class E and 89 percent among the class D or masa,” ayon pa rin sa survey. Kris Jose

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply