Log ban ‘di solusyon sa baha – Honasan

HINDI solusyon ang pagpapairal ng log ban para maiwasan ang pagkasira ng kalikasan at pagbaha.

Hinamon ni Sen. Gregorio Honasan si  Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, III na bawiin ang Executive Order No. 23 hinggil sa indefinite log ban oras na magpatuloy pa rin ang pagbaha sa ilang panig ng bansa.

“Kapag gumana iyan eh di mali ako. Eh pag bumaha pa rin, ibig sabihin iba dapat ang solusyon,” giit ni Honasan.

Aniya, ang kumakalbo sa kagubatan ay ang mga kaingero at mga nagpapatayo ng bahay sa mga bundok.

Tiyak na apektado aniya sa log ban ang mga responsableng magtotroso na kahit namumutol ng kahoy ay pinapalitan naman ng binhi.

Binigyang-diin pa nito na hindi sana nagmadali sa paglabas ng EO ang Pangulo, bagkus ay pinag-aralan muna ito ng mabuti upang maging patas.

“Pinag-aralan sana ito ng mabuti bago nagdesisyon,” giit ni Honasan.

Magugunita na mula nang ipatupad ng Pangulo ang log ban, umalma na agad ang Philippine Wood Producers Association at local government unit sa Agusan. Linda Bohol

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply