Lokal na lengguwahe isinulong na ituro sa mga estudyante

MULING isinulong ng Department of Education (DepEd) ang paggamit ng lokal na diyalekto sa pagtuturo sa mga estudyante sa primary schools o sa elementarya.

Batay sa DepEd Memorandum 19 na inilabas ni Education Secretary Armin Luistro, nakasaad na suportado ng ahensya ang posisyon ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Education (UNESCO) para sa mother tongue based multi-lingual education kung saan isinusulong na maturuan ang mga batang estudyante gamit ang kanilang kinagisnang wika.

Sinabi ni Luistro na napatunayan na sa mga pag-aaral sa iba’t ibang bansa na mas mabisa kung ang lokal na diyalekto ang gagamitin sa pagtuturo sa mga nagsisimula pa lamang mag-aral dahil mas natututo ang mga ito at nakapag-iisip ng mabuti.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply