Lola, 3 apo natusta sa sunog sa Parañaque

PATAY ang isang guro at kanyang tatlong apo sa naganap na sunog sa Hernandez Avenue, San Antonio 7th st., Parañaque City.

Kinilala ni Parañaque Fire Department Supt. Manuel Manuela ang mga biktima na sina retired teacher Venus Bacolod, 65 at tatlong apo nito na sina Kim Gilbert Mendova, 14; Robert Jr. 12 at Filbert, 9.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa bahay ni Bacolod na gawa sa light materials alas-3 ng madaling araw ng Miyerkules, Pebrero 9 na agad kumalat sa katabing mga bahay.

Patuloy namang inaalam ng awtoridad ang sanhi ng apoy na ikinamatay ng mag-lola. Gwenn Salamida

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply