Lola tepok sa apong may topak

ILOCOS NORTE – Agad na binawian ng buhay ang isang 88-anyos na lola matapos pagpupukpukin ng bato sa ulo ng sariling apo na hinihinalang may sakit sa pag-iisip sa bayan ng Bacarra.

Nakilala ang biktima na si Mercedita Afaga habang ang suspek ay ang apo nito na si Israel Afaga na isang tricycle driver.

Lumitaw sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya na dumating ang suspek sa bahay ng kanyang lola at hinanap ang ama na kasama nitong naninirahan doon.

Nang hindi makita ang ama ay nilapitan ng suspek ang kanyang lola at sa hindi malamang dahilan ay bigla niya itong pinagpupukpok ng hawak na bato.

Dala ng kahinaan ay hindi na naipagtanggol ng matanda ang sarili hanggang sa siya’y bawian ng buhay.

Dinala sa hospital ng may sakit sa pag-iisip ang suspek upang masuri kung wala nga ito sa katinuan. Evelyn Garcia

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply