Lolo binoga habang nagbibisikleta, kritikal

ISANG lolo ang nasa malubhang kalagayan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nagbibisikleta sa Caloocan City Biyernes ng gabi, Pebrero 11.

Nasa kritikal na kondisyon ang biktimang si Norberto Edosaro, 58 ng 3rd ave., ng nasabing lungsod sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi, sakay ng kanyang bisekleta ang biktima at pagsapit sa pagitan ng 1st at 2nd avenues ay hinarang ng salarin na nakasuot ng dilaw na sombrero at pinagbabaril ang biktima bago tumakas.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply