Lolo nabundol ng kotse, dedo

PATAY ang isang 70-anyos na lalaki makaraang aksidenteng mabundol ng isang sasakyan habang tinutulak ang kanyang kariton sa E. Rodriguez Sr. ave., Quezon City, Lunes, Pebrero 28.

Nakilala ang biktima na si Rodolfo Cezar, binata at walang tiyak na tirahan.

Sa ulat, nabundol ang biktima ng isang Mazda 3R Sedan (XSM 895) na minamaneho ni Karen Kay Bayawa, 22, dalaga at residente sa 1610 Tower 3, Mezza Residence, Aurora blvd., sa nasabing lungsod.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni PO2 Francis B. Serrano ng Traffic Sector 4, ganap na 3:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente.

Binabagtas umano ng suspek sakay ng kanyang kotse ang naturang kalsada mula sa Tomas Morato ave. patungong Poisentia st. nang mabundol nito ang biktima, na papunta sa panulukan ng Betty Go Belmonte para tumawid.

Dahil sa bilis ng takbo at lakas ng pagkakabangga, nasira ang sasakyan at kariton habang ang biktima naman ay nagtamo ng labis na pinsala sa katawan.

Agad isinugod si Cezar sa Quirino Memorial Medical Center ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ambulance para magamot, ngunit makalipas ang ilang oras ay idineklara rin itong patay ni Dr. Neil Villamucho.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang kasong inihahanda laban kay Bayawa. James de Jesus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply