Lomolobong Chicha-corn

MAHILIG ka bang kumain ng chicha-corn?

ANG chicha-corn o mas kilala sa tawag na kornek ay isa sa street foods na paboritong bilhin ng mga Pinoy gaya ng mani, barbecue, adidas, turon, iskrambol, taho, betamax, kwek-kwek, tokneneng, camote cue, bananacue at iba pa.

Masarap papakin ang chichacorn dahil sa malutong ito lalo pa’t sabayan pa ng malamig na softdrinks o di kaya’y beer at iba pang inuming pang-relax.  Paborito din itong papakin sa mga lamayan, sa beach o paminsan-minsan kung nais mong mapag-isa.

Sa kasalukuyan, isa na rin ito sa pangunahing ikinabubuhay ng ilan sa ating mga kababayan partikular sa rehiyon ng Ilokos dahil sagana sa mais ang kanilang produktong pang-agrikultura.

Ang Agoo Chicha-Corn and Food Products (ACFP) ay isang food processing firm na pag-aari at pinamamahalaan ng mag-asawang Edwin at Theresa  Mariñas ng San Agustin East, Agoo, La Union.  Ang Agoo ay isang 1st class municipality sa lalawigang ito na binubuo ng 49 barangay.

Nagsimula ang kanilang maliit na negosyo noong 1992 sa Taleb, Bantay, Ilocos Sur at nagkaroon ng sangay sa Agoo, La Union noong 1995.

Ang chicha – corn ay karaniwang tawag sa snack food na ginagawa mula sa deep frying dried, tenderized white glutinous corn.   Ito ay may limang flavors na talaga namang binabalikbalikan ng mga local at dayuhang turista: sweet, garlic-chili, cheese, adobo at barbecue.

Si Edwin ang namamahala sa marketing o pagbebenta ng produkto samantalang si Theresa naman ang namamahala sa proseso ng produksiyon.

Naging mabilis ang paglago ng kanilang negosyo hanggang umabot sa 148 na mga tindahan na sa Luzon ang kanilang nasusuplayan ng produktong chicha-corn malaki man o maliit.

Dumating ang pagkakataon na hindi na nakayanan ng mag-asawa ang demand ng produksiyon at kinailangan nilang ma-upgrade ang production at mapahusay pa ang pagpapakete ng chicha-corn; mapalawak ang cooking area; mapaganda ang packaging design; magkaroon ng karagdagang drying trays; at magkaroon ng seal machine para makapag-pakete ng maliliit na sizes ng chichacorn.

Taong 2008, nag-apply ang mag-asawa sa Small Enterprises Technology Upgrading Program (SET-UP), isang programa ng Department of Science and Technology (DOST) na tumutulong sa mga maliliit na mamumuhunan na maiangat ang kabuhayan.

Hindi naman sila nabigo at naaprubahan ang kanilang aplikasyon at nagarantiyahan ng sapat na halaga na gagamitin sa upgrading ng production process at packaging chicha-corn.

Impact of assistance

Ayon sa SET-UP, ang ayuda na naipagkaloob nito sa Aggo Chicha-corn and Food Products ay labis na nakatulong sa pagdaragdag ng produksiyon.  Mula sa 23,480 kilograms tumaas ito sa 143,860 kilograms.

Tumaas din ang annual gross sales nito mula 510,000.00 tumaas ito sa P3,781,499.  Nakapagbigay din ito ng trabaho mula sa 189 manggagawa at ngayo’y nasa 252 na.

Benefits to the client/beneficiary:

“It increased production and sales resulting to high income; expansion of business through improvement of production area; acquisition of adjacent lot for the expansion of the production area,” ayon sa SET-UP.  Nakabili na rin anang SET-UP ng lupain sa Ilokos Sur, delivery van at van Hi-Ace sa pamamamgitan pa rin ng ayuda ng SET-UP.

Benefits to the community

Ang expansion ng Agoo Chicha-corn and Food Products ay nakalikha din ng livelihood o kabuhayan sa mga residente dito.  Kabilang sa benepisyo ng mga empleyado ay ang pagiging kasapi sa SSS, Philhealth, bonus, at libreng uniporme.  Nakikinabang din ang mga kapitbahay na may gilingan ng bigas (ricemills) dahil ang kumpanya na rin ang bumibili ng ‘rice hull’ at ginagamit na panggatong.

Paano ang pag-apply sa SET-UP ng DOST?

Sumulat lamang na nagpapahayag ng interes na maka-avail ng SET-UP assistance lakip ang mga requirements sa DOST Regional Director’s Office kung saan naka-base ang kumpanya.

Ilakip sa naturang sulat ang kasalukuyang problema na kinakaharap ng pagnenegosyo, nais na improvements at potential technological interventions na kailangan.

Kung mapatutunayan ng DOST na may potensiyal ang naturang proyekto, ii-endorse naman ito sa National Program Management Office para sa evaluation at final approval. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply