Lopez tinakot si Donaire

TILA tinatakot ni WBO featherweight champion Juan Manuel Lopez si WBO/WBC bantamweight champion Nonito Donaire at pinayuhang huwag munang umakyat sa 126-pound o featherweight division dahil hindi pa ito handa.

Isa si Lopez, posibleng makaharap ni Donaire, sa mga nanood ng laban ng Pinoy kung saan hinangaan ang Pinoy sa ginawang pagdurog kay dating world bantamweight champion Fernando Montiel sa loob lamang ng dalawang round.

“Dapat manatili muna si Donaire sa 118 lbs at hakutin ang lahat ng titulo dito,” payo ni Lopez.

Pakiramdam umano ni Donaire ay tinatakot siya ni Lopez matapos siyang sabihan na baka hindi niya makayanan ang suntok ng isang featherweight kung pilitin nitong umakyat sa 126 lbs. upang makaharap siya.

Nagpasaring rin si Lopez na handa niyang harapin si Donaire kahit anong oras subalit, tinanong nito kung handa ba sa kanya ang Pinoy.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply