Low pressure area namataan sa Mindanao

ISA na namang low pressure area ang namataan sa Kanlurang bahagi ng Mindanao.

Nabatid sa PAGASA forecasting center, huling namataan ang LPA, 80 kilometro sa Timog-Kanluran sa Zamboanga.

Ang naturang LPA ay magdudulot ng pag-ulan sa parte ng Zamboanga at Palawan.

Kasalukuyang nararanasan pa rin ng bansa ang hanging aminan bunsod ng tail-end ng cold front .

Maglalaro ang temperatura  sa pagitan ng 20 at 28 degrees Celsius. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply