LPA nagbabanta sa Mindanao

MAHIGPIT ang naging tagubilin ng National Disaster Risk Reduction Council sa mga naglalayag na mga mangingisda, partikular sa silangang bahagi ng Davao City na ibayong pag-iingat dahil sa umiiral na low pressure area roon.

Sa latest weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, huling namataan ang LPA sa layong 475 kilometer ng timog-silangan ng Davao City o 490 km silangan-timog-silangan ng General Santos City.

Ang naturang sama ng panahon ay may malakas na hanging dala sa bilis na 35 kilometer per hour at tinatahak nito ang direksyon patungong kanluran sa bilis na 22 kph.

Dahil dito, muling nagpaalala ang mga opisyal sa mga mangingisda na tumalima sa mga babala ng mga kinauukulan para maiwasan ang anomang sakuna.

Partikular ding pinaalalahanan dito ang concerned local government units na magsagawa ng paghahanda kaugnay sa nagbabadyang sama ng panahon. Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply