LRT binulabog ng mga militante

LUMUSOB ang ilang miyembro ng Gabriela Youth sa Light Rail Transit (LRT) Pedro Gil station sa Taft ave., sa Maynila Biyernes ng umaga.

Nagulat ang mga gwardiya nang biglang magsisigaw at magkilos-protesta sa mismong ticket booth area ng LRT ang mga miyembro ng Gabriela Youth.

Bagama’t wala pang sampu ang mga nagpoprotesta, nagawa ng mga ito na makuha ang atensyon ng maraming pasahero sa LRT.

Nagpamigay ang mga raliyista ng mga flyer at naglabas ng mga karatula na naglalaman ng mga hinaing at batikos sa napipintong umento sa pasahe sa LRT at Metro Rail Transit (MRT).

Sa kabila ng pakiusap ng mga gwardiya ng LRT na sa ibaba gawin ang kanilang kilos-protesta, nagpumilit pa rin ang mga ito at nanatili pa ng ilang minuto sa ticket booth area at humiga pa sa sahig ng LRT platform. Benedict Abaygar Jr.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply