LRT, MRT kumikita na ng malaki

KUMIKITA na ng malaki ang  tatlong  light rail trains na  nag-ooperate  sa  Metro Manila.

Ito ang  ibinunyag ni  Rep. Arnel Ty  ng LPG Marketers’ Association (LPGMA) at iginiit na hindi  makatwiran pang magtataas  ng  pasahe ng  Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

Aniya,  ang  Lines 1 at 2 ng LRT ay may P3.299 billion na operating revenues at P2.928 billion na operating expenses noong taong 2010 para sa P371 million na operating profit.

Sinabi pa ng solon na ang Metro Rail Transit (MRT-3) ay may P1.916 billion na operating revenues at P645 million na operating costs noong 2010 para sa P1.271 billion na operating profits.

Ang  MRT-3’s operating income ay mula ito sa  P1.904 billion  sa  fare revenues,at  karagdagan pang   P12 million na iba pang  kinita.

“The only reason the three trains are incurring large deficits is because they are being overwhelmed by huge debt payments and other non-operating financial obligations,” ani Ty .

Tinukoy nito ang  kaso ng MRT-3 na gumastos ng P7.878 billion para sa Build-Lease-Transfer (BLT) agreement payments noong 2010 kabilang  dito ang equity rental payment na P5.296 billion sa private consortium na nagpatayo ng  train system.

Matapos  aniya  ang  BLT agreement payments, ang MRT-3 ay may deficit na  P7.252 billion.

Sa kaso naman aniya  ng   LRT Lines 1 at 2, matapos  ang  pagbabayad ng principal at interest ng utang maging  ang iba pang bayarin nito at non-cash charges ay may deficit itong P8.927 billion noong 2010.

“Clearly, once the financial obligations are addressed, there may be no need for a fare increase, or for a large government subsidy,” pagtatapos ni Ty. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply