Luis Manzano umaasang maka-date si Angel Locsin

SABI ni Luis Manzano sa isang panayam kamakailan  na hindi naman raw siya seryoso talaga ipahanap yung magandang Japanese girl na nakita niya sa internet.

Inamin naman niya na nagandahan siya sa girl pero hanggang doon lang daw yun.at nagbibiruan lang  sila ni Anne Curtiz leading lady niya sa bagong movie nang sabihin ng actress na ipinahahanap niya ang nasabing Haponesa.

Loveless pa rin raw si Luis pagkatapos ng break-up nila ni Angel Locsin at hindi naman raw siya nagmamadali`t ipinauubaya na lang daw niya ang lahat sa kapalaran.

Sabi pa ni Luis, mahal pa rin niya si Angel. Ask namin kung sa tingin ba niya ay mahal pa rin siya ng actress?

“Ayoko naman magsalita na manggagaling sa akin. Ang kapal naman ng mukha ko. And if there`s anything when it comes to her emotion, eh, siya ang dapat sumagot.”

Sa Valentine`s Day ay wala pa raw siyang iniimbitang maka-date pero aminado siyang pinapangarap niya si Angel ang maka-date sa Araw ng mga Puso.

“Sabi ko nga. I`m not seeing anyone naman at kung may espesyal na tao sa akin this Valentine, siya (Angel Locsin). Sabi ko nga, Angel will always have a special place in my heart and Valentine is for hearts,” pahayag ni Luis.

EUGENE DOMINGO, AMINADONG KAILANGAN NG MAKAKASAMA SA BUHAY

Kinikilig pa rin si Eugene Domingo at her age sa ideya na may nagpapadala sa kanya ng roses and chocolates kapag Velantine`s Day. Katuwiran ni Uge, babae rin siya na nangangailangan ng pagmamahal at atensiyon.

Naging abala man siya sa kanyang career at sa pagpupundar para sa kanyang kinabukasan at sa mga mahal niya sa buhay, dumating din ang panahon na na-realize niya na kailangan niya ng isang lalaking makakasama sa buhay at masasandalan sa panahon na siya ay malungkot.

Dahil sa sobrang dedication niya sa career, hindi rin niya namalayan ang mabilis na paglipas ng panahon. Pero hindi man niya prioridad ang kanyang lovelife, nangangarap din siya na magkaroon ng sariling pamilya at hindi na raw niya hihintayin pa magunaw ang mundo bago siya magka-boyfriend, tulad ng istorya niya sa My Valentine Girls.

***************

Kung dinagsa ng tao ang promo tour ng My Valentine Girls ay lalong dinumog ang premiere night ng nasabing movie sa SM Cinema 9, Megamal last Tuesday na dinaluhan ng buong cast sa pangunguna ni Richard Gutierrez, Lovi Poe, Rhian Ramos, Solenn Heusaff at Jillian Ward.

Grabe ang response ng tao sa tatlong episode na in-fairness ay maganda ang kabuuan na mahusay nai-direk ni Andoy Ranay at Joyce Bernal.

Sa episode nina Rhian Ramos at Chard na Soulmate ay kikiligin kayo sa romance/comedy ng dalawa.

Sabay ng kissing scene nina Rhian at Chard ay sigawan at hiyawan ng tao sa loob ng sinehan. Ang iba ay kinikilig at may naiinggit din kalalakihan kay Chard dahil apat na leading ladies niya na nakahalikan niya sa lips.

Ang galing-galing naman ni Lovi Poe sa second episode na Best Friend Forever. Tila may pinaghuhugutan ng galing sa pag-arte sa drama si Lovi dahil natural na natural ang pag-emote nito sa role na broken hearted at na-in-love muli kay Richard pero napagtanto nila na hindi sila para sa isa`t-isa.

Tatawa at hahalakhak naman kayo sa last episode na Gunaw nina Eugene Domindo at Chard. Muling ipinakita at ipinamalas ni Uge na pagdating sa pagpapatawa ay wala pa rin tatalo sa kanya.

Ang galing-galing ni Uge na nag-iisang babae natira sa mundo at nang magkita sila ni Chard ay hindi na ito kumalas sa actor dahil kailangan nila ang isa`t-isa para magpadami.

Yung kissing scene nila ni Chard habang sakay ng kabayo ay dapat lang kiligin si Uge dahil matagal at kitang-kita sa big screen na gumagalaw pa ang kanilang bibig habang naghahalikan. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply