Luisita binastos ng Canlubang

PINANGUNAHAN ni captain Luigi Yulo ang panalo ng Canlubang Sugar Barons matapos gibain at agawan ng korona ang dating kampeon na Luisita sa 64th Interclub Seniors Championship na idinaos sa El Pueblo Golf and Country Club sa Bukidnon.

Apat ang unang ikinamadang lamang ng Canlubang subalit umunat ito ng 11 sa third round.

At sa finale ay mistulang naging laro na lamang ng Sugar Barons dahil si Rolly Viray ay nakabuslo ng one-under-par 71 para sa 55 points sa Molave system, bago dumating si Tommy Manotoc taglay ang even par para sa 54 para pakislapin ang 160 output ng grupo at 620 overall.

Samantala, naging third man naman ng Canlubang si Jose Mari Hechanova taglay ang 51 habang ang 51 naman ni Philip Brodett ay binalewala sa four-to-play, three-to-count format. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply