Lumalalang kodisyon ng Manila Bay isalba

MAGTUTULUNGAN ang may 3,000 katao upang linisin ang baybayin ng Manila Bay, Lunes ng umaga, Pebrero 14.

Isasagawa ang naturang paglilinis para maisalba ang lumalalang kondisyon ng Manila Bay.

Pangungunahan ni Councilor Nino Dela Cruz  ng unang distrito ng Maynila ang nasabing paglilinis sa Manila Bay, kaagapay ang Office of the Mayor, mga empleyado ng gobyerno, Philippine Coast Guard (PCG), Girlscout of the Philippines, Boy Sscout of the Philippines,ilang non-government organizations (NGOs) at mag-aaral sa iba’tibang eskuwelahan sa lungsod.

Ayon sa konsehal,ang nasabing programa ay itinapat sa Araw ng mga Puso upang maiparating  sa publiko ang mensahe  hinggil sa pagpapahalaga at pagmamahal sa kalikasan.

Aniya,makabuluhan umanong maipakita ng bawat isa ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kalikasan dahil dito kinukuha ang pangangailangan ng mga tao partikular na ang pagkain.

Iginiit pa ng batang Konsehal at dati ring Chairman ng Manila Sports Council (MASCO), ang naturang programa ay pauna lamang ng kanyang “run for a cause” event na “Manila Family Fun Run” na may temang “We Run, We Care, We Dare” na gaganapin sa June 19, 2011.

Nais din ng konsehal na maging regular ang pagbabantay at paglilinis sa Manila Bay territorial water zone.

Sa katunayan plano niyang bumuo ng progrma para sa Manila Bay na tatawaging “Task Force Manila Bay.”Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply