Luneta massacre probe sa HK matatapos sa loob ng 25 araw

TATLUMPU’T limang taga-Hong Kong, kabilang ang mga survivor at pamilya ng walong biktima ng madugong hostage-taking sa Quirino Grandstand noong 2010, ang humarap sa pagdinig ng nasabing insidente Lunes Pebrero 14.

Tatalakayin sa nasabing pagdinig kung posibleng “friendly fire” ang nakapatay sa mga biktima ng hostage-taking.

Ayon kay senior counsel Jat Sew-tong ng Coroner’s Office sa pagsisimula ng inquest proceedings, posibleng matapos ang proseso sa loob ng itinakdang 25 araw dahil sa konti lamang ang dumalo sa pagdinig.

Samantala, una ng naiulat na ang mga naimbitahang resource person mula sa Pilipinas ay tumangging dumalo sa pagdinig. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply