Luneta, may pakulo sa Valentine’s Day

TIYAK na mag-e-enjoy ang magsing-irog na magde-date sa Luneta sa pakulo ng National Parks Development Committee (NPDC) sa mismong Araw ng mga Puso.

Ayon kay NPDC Executive Director Juliet Villegas, maaaring manood ng libreng concert mula 6 ng gabi hanggang 12 ng hatinggabi ang mga magdi-date sa Luneta, bukas, Pebrero 14.

Magkakaroon pa ng pa-contest ang Luneta para sa mga magsing-irog at mag-asawa na may pinaka-“cheesy” o sweet na paghuhulog ng coin sa wishing fountain at maaaring manalo ng trip to Boracay, trip to Puerto Azul o trip sa isang resort sa Bulacan.

Bukod pa rito, mayroon ding buffet dinner sa Chinese Garden sa Luneta para sa magde-date sa halagang P500 lamang.

Sinabi ni Villegas na bahagi pa rin ito ng pagsisikap ng NPDC na maibalik ang imahe ng Luneta bilang pangunahing pasyalan sa Metro Manila.

Kagabi pa lamang, kapansin-pansin na marami nang nagpupunta sa Luneta para umiwas sa mas maraming taong inaasahang dadagsa sa Araw ng mga puso. Photo by Crismon Heramis

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply