Lupain ng Ampatuan nais hukayin ni Mangudadatu

INAASAHAN ni Gov. Ismael Mangudadatu na lalabas na ngayon, Huwebes, Pebrero 17, ang anim na search warrant na kanyang inihain para makapaghukay sa lupain ng mga Ampatuan.

Matatandaan na ang mag-amang Ampatuan na sina Andal Ampatuan Jr. at Andal Ampatuan Sr. ang mga pangunahing suspek sa karumal-dumal na Maguindanao massacre, kung saan kasama sa pinatay ang asawa ni Mangudadatu noong 2009.

Ayon kay Mangudadatu, marami pang ebidensiya ang maaaring nakalibing sa lupain ng mga  Ampatuan na magdidiin sa mga nasabing akusado.

Sinabi rin niya na malaking bagay ang makakuhang bagong ebidensiya para umusad ang kaso.

Hindi pa pinangalan ng gobernador ang mga lugar kung saan niya isasagawa ang paghuhukay. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply