Lyceum pirates dumikit sa B-League topnotchers

NAKABUWELTA mula sa naunang pagkatalo ang dehadong Lyceum of the Philippines poolmasters sa pagbirit ng dalawang mahahalagang panalo tungo sa paglapit sa masikip na karera sa pagpapatuloy ng National Collegiate Billiards League na kilala rin bilang B-league elimination round sa Star Paper Billiards Center sa Quezon City sa pagtatapos ng linggo.

Kasunod ng isang manipis na pagkatalo sa nangungunang St. Clare College 1-2, pinalubog ng Pirates ang University of Manila 3-0 na sinundan ng malaking panalo sa powerhouse na Philippine Maritime Institute.

Ang mga cue artist ng Intramuros-based University ay nanalo sa 8-ball doubles sa kabila ng panalo ni Mariner Chris Vincent Mecenes laban kay Enrico Lat sa 9-ball single, dinaig naman ni pirate Rennel Dugus si Pat Zyndrix de Veyra 7-5 sa 10-ball single para iangat ang standings at makatiyak ng isang puwesto sa quarterfinal round ng liga na inorganisa nina Perry Mariano ng Bugsy promotions at Relly de Leon na sinuportahan ng Accel, H2O Hotel, Manila Ocean Park, Star Publications, Philippine Daily Inquirer, Philippine Charity Sweeptakes Office, Negros Billiards Stable, Malungai Life Oil, Niknok Pritson Manok, Hermes Sports Bar, Human Plus, Star Billiards Center, Brunsewick, Bugsy Promotions, Mediacom, San Miguel Corporation at Ginebra San Miguel Blue.

Sinamantala ng PMI ang kanilang panalo laban sa Don Bosco College at Centro Escolar University para makatabla sa pangalawang posisyon kasama ang sumadsad na National University na nabigong makahabol sa nangungunang Saints na nagbigay sa Bulldog ng pagkatalo 3-0 at isang 1-2 upset na panalo laban sa

Sa nalalabi pang dalawang laro sa eliminations, bumabandera ang St. Clare sa 77 points, NU at PMI ay patas sa 66 points samantalang nakadikit ang Lyceum sa kanilang 65 points.

Ang iba pang quarterfinal contender na Far Eastern University ay blinangko ang Don Bosco at ang Centro Escolar University na unang tinalo ng Saints ay nakatipon ng 63 statistical points.

Ang iba pang team na nakapsok sa round of 8 ay ang Jose Rizal University at University of the East na may parehong may 58 points habang ang Adamson University ay tangan ang nanganganib na 54 puntos. – Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply