Ma. Isabel Lopez, binigyan ng party ng French actress

PUMAYAG  na si Brillante Mendoza ani Maria Isabel Lopez na magpainterbyu silang mga artista nito sa pelikulang “Prey,” ang pinakabagong proyekto ng international filmmaker pagkatapos maging sekreto at sensitibo ang pagsasapelikula ng istorya tungkol sa pandudukot ng Abu Sayyaf ng mga biktima.

Masyadong lihim at may banta umano ng seguridad ang paggiling ng mga kamera ng “Prey” kaya hindi bukas sa mga panayam ang mga bituin kabilang si Maria Isabel.

Ayon nga sa peryodistang pampelikulang si Dennis Adobas, delikado anya ayon sa premyadong direktor na si Mario O’Hara ang paggawa ng mga pelikulang tulad ng mga sesisyunistang grupo na Abu Sayyaf.

Kaya tahimik ang mga bituin sa buong panahon ng paggawa nila ng obra ni Brillante pero pagkatapos ng kabuuang shooting ay pumayag na si Mendoza na lumantad ang kanyang mga artista at magpainterbyu na tungkol sa anumang anggulo ng produksyon lalo na at hindi naman delikado sa seguridad ng mga kasangkot.

***

Sinabi ni Lopez na isa na namang karangalan ang makasama sa pelikula ng 2009 Palm d’Or Best Director Cannes International Film Festival. “It was so amazing and honourable to be part of any Brillante Mendoza film,” pahayag ni Maribel.

Unang nakasama si Maria Isabel sa pelikula ni Dante Mendoza sa “Kinatay (The Execution of P)” na pinagwagihan ng direktor ng kanyang natatanging parangal.

Ayon sa beauty queen, itinuring silang reyna at hari ng produksyon, isa na ang Centerstage Productions, sa pagtrato sa kanila bilang manggagawa.

“Grabe talaga ang treatment sa amin. May mga chefs kami sa catering. At kung anuman ang hingin namin, ibinibigay agad. Like, ako, gusto ko ng mga vegetables, ibibigay agad nila.

“May mga helicopter din sa set para mas madaling kumilos lalo na at malayo ang location. We shot in many parts of country, like sa Batangas, sa Quezon Province, sa Rizal, sa Tanay at ang daming privileges. Ako, I had to horseback ride to get to the set lalo na ang mabundok,” pagkukuwento ni Lopez.

***

Sinabi ni Maribel na masaya at mabait si Isabelle Huppert, ang French actress na bituin din ng Hollywood, sa likod at harap ng kamera.

“Pag may shooting kami, talagang napaka-professional ni Isabelle. Imagine, dalawa kaming Isabel sa pelikula, the white Isabelle and brown Isabel. Alam mo ‘yan, pag nasa set kami, may inia-apply siyang lip gloss na hindi halatang lip gloss.

“At pag magkasama kami off-cam, naku, ang daming kuwento ni Isabelle. She would tell me stories about her family and she would ask me about mine. Tatlo ang anak ni Isabelle at wala siyang asawa.

“Napakakalog niya. Parang ano siya, isa lang sa mga ordinary people. Alam mo ba na pag wala kaming shooting, navi-video kami. Naku, karaoke singing kami. Kumanta pa ‘yan ng ‘Spaghetti Pababa.’ Tuwang-tuwa kami sa kanya,” pahayag ni Isabel.

Nagkaroon ng bonding ang dalawang Isabel.

“Kaya magkikita kami sa February 28 sa Paris. We will give me a party,” pagbabalita ni Maria Isabel.

***

Sa Sabado ay aalis si Lopez patungong Amsterdam para maglakbay at magliwaliw at ito ang kanyang unang destinasyon.

“Pleasure trip lang gagawin ko sa Amsterdam pero pagkatapos no’n, didiretso ako sa Berlin, Germany para sa Berlin International Film Festival. Kasi, nasa competition sa isang section ang ‘Halaw’ namin ni Sheron Dayoc. I am very happy for Sheron. Ang galing talaga niya,” wika ni Maribel.

Pagkatapos ng Germany ay tutungo naman si Lopez sa Paris para makipag-ulayaw kay Huppert.

“Sexy ang isusuot ko sa party. At ako lang ang Filipino ro’n,” pagmamalaki ni Maria Isabel.

Talagang napakaganda ng pinagsasamahan nina Lopez at Huppert.

Ang iba pang kasama nina Isabel at Isabelle sa “Prey” ay sina Coco Martin, Kristofer King, Mon Confiado, Chanel Latorre, Rustica Carpio, Madeliene Nicolas, Raymond Bagatsing at marami pang iba. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply