Machete, baril, sunog at hubad na OFWs

NASAAN ang mga taga-Department of Foreign Affairs, embahada ng Pilipinas, Philippine Overseas Employment Administration at Overseas Workers Welfare Administration?

Tinatanong natin ito, mga Bro, kaugnay ng nagaganap sa bansang Libya na kinaroroonan ng libo-libong overseas Filipino worker.

Sa pakikipag-usap ni Noli de Castro ng DZMM sa isang Rowel na obrero sa isang kompanyang Koreano sa Libya, nakatatakot na ang nagaganap roon at kinakailangan na talaga ang mabilisang aksyon ng pamahalaan. Do or die ang kinakailangang pagkilos.

Sa kuwento ni Rowel, meron nang namatay na OFW ngunit sa ibang lugar dahil sa pag-atake ng mga Libyano sa mga dayuhan sa kanilang lugar. Sinasalakay ng mga Libyanong may mga baril, machete at panunog ang mga kampo o quarters ng mga OFW.

Matapos na makuha lahat ang kanilang mga salapi, gamit, sasakyan, papeles at kung ano-ano pa, sinusunog ng mga Libyano ang kanilang mga opisina at quarters.

Dahil din sa kaguluhan, nawalan sila ng suplay ng tubig, pagkain at iba pa na karaniwang nanggagaling sa kapital ng Libya, ang Tripoli.

Dahil sa takot nila na pag-papatayin ng mga Libyano, nagpasiya ang kanilang buong kompanya na magsilikas silang lahat.

Makaraang maipon sila lahat na nasa 2,000  katao,  kabilang na ang 14 OFW, kumuha sila ng mga bus at bumiyahe sila patungong Egypt.

Ang problema ng mga OFW ay wala ni sinomang tauhan ng pamahalaan na nakaugnay sa kanila.

Hiniling nila kay Kabayan na tulungan silang makaugnay ng mga taong pamahalaan para sila mabigyan ng mga papeles gaya ng passport na naiwan nila o kasama sa mga pinagkukumpiska sa kanila ng mga Libyano.

Malinaw na walang nakararating sa kanila na tulong ng pamahalaan sa mga araw na ito ng kagipitan.

At taliwas ito sa sinasabi ng pamahalaan na hindi pa delikado ang kalagayan ng mga OFW kaya pinaiiral ang voluntary evacuation.

Sa huli, naroon na umano sa Libya ang quick reaction team nina PNoy.  Kung totoo ito at hindi boladas dapat na magpairal at may kagamitan na para sa  forced evacuation.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply