Madre na nanipa ng estudyante pinapanagot ng Supreme Court

INABSWELTO ng Supreme Court (SC) sa anumang pananagutan ang isang kilalang Katolikong paaralan kaugnay sa ginawang paninipa at pagtulak ng isang madreng guro sa kanyang grade 3 na estudyante noong 1998.

Sa anim pahinang desisyun na iniakda ni SC Associate Justice Roberto Abad, pinagbigyan ng Korte Suprema ang petisyon ng Aquinas School na mapawalang saysay ang August 4,2008 na desisyun ng Court of Appeals (CA) kung saan pinapanagot ang Aquinas school at si Sister Margarita Yamyamin dahil sa natamo ng batang estudyante na si Jose Luis Inton.

Binigyan pansin ng Korte Suprema ang testimonya ng pamunuan ng Aquinas na mayroon itong kasunduan sa kongregasyon ng mga madre kung saan ito ang magpapadala ng mga madre upang mag-tutor ng religion sa mga estudyante ng Aquinas School.

Iginiit ng Aquinas na ang kongregasyon na kinaaaniban ni Yamyamin ang pumili sa kanya upang magturo sa nabanggit na paaralan.

Maging ang pamilya ng biktima ay hindi tumutol sa depensa ng Aquinas school.

Sinabi ng mataas na hukuman na malinaw na nagkamali ang CA nang isama ang paaralan sa pinapanagot sa kaso.

Binigyan diin ng korte na mabilis na  umaksyon ang Aquinas school sa pamamagitan ng pagsibak kay Yamyamin nang malaman ng paaralan ang insidente.

Batay sa rekord, July 14,1998, habang nagtuturo si Yamyamin ng religion sa grade 3 class, umalis si Jose Luis sa kanyang kinauupuan upang makipagbiruan sa kanyang klasmeyt.

Inutusan ni Yamyamin si Jose Luis na bumalik sa kanyang upuan ngunit hindi nakinig ang bata, dahilan kaya pinagsisipa ng madre sa binti ang biktima saka dinukdok ang ulo sa mesa.

Nakatakda namang pagbayarin ng danyos ang nasabing madre. Teresa Tavares

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply