Mag-anak naospital sa manok at hotdog

KORONADAL CITY-Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang anim na miyembro ng pamilya matapos na makaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka makaraang kumain ng pritong manok at hotdog.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, naospital ang mga batang sina Christy Okon, 8 at John Loyd Okon, 3, magkapatid; ang mga pinsan nila na sina Ariel Bisnar, 1; Rubio Jasmin Grace, 6;  Richel Mae Magon, 1 at isang nakilala lamang sa alyas na Capote, 22, na pawang nakatira sa lungsod ng Koronadal.

Nabatid na magkakasamang kumain ang mga biktima at ilang minuto pa lamang na nakatatapos sa pagkain ay sumama ang pakiramdam ng mga ito.

Inaalam pa kung expired na ang nabiling manok at hotdog ng mga magulang ng mga bata sa isang department store sa lungsod.-Evelyn Garcia

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply