Mag-asawang Ligot, bayaw nasa watch list ng BI

INATASAN ni Sen. Teofisto Guingona III ang Bureau of Immigration (BI) na bantayan ang posibleng pagtakas ng mag-asawang dating AFP comptroller B/Gen. Jacinto Ligot at Erlinda, kabilang ang bayaw nito upang mapiga sa talamak na korapsiyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa panayam, sinabi ni Guingona na kailangan bantayan ng BI sina Gen. Ligot, at bayaw bayaw na si Edgardo Yambao dahil siya ang pinaghihinalaang pinagpasahan ng multi-milyong nakulimbat na pondo sa AFP.

“That’s the Bureau of Immigration because that is the agency in charge of monitoring the incoming and outgoing of people at the ports,” tugon ni Guingona kung sino ang inatasang magbantay sa tatlong personalidad.

Naunang hiniling ni Sen. Franklin Drilon na ilagay sa watch list ang tatlo upang makadalo sa pagdinig matapos matunghayan ng komite na naipasa ni Gen. Ligot sa kanyang bayaw na si Yambao ang multi-milyong pondo ng AFP.

Iniulat ni Drilon na umaabot sa mahigit P300 milyong deposito at ari-arian ang naipasa ni Gen. Ligot sa kanyang bayaw dahil nakapagtatakang magkaroon ng ganitong halaga si Yambao sa kabila nang kawalan ng hanapbuhay o negosyo.

“May I propose that given what we have seen today that Mrs. Erlinda Ligot and Edgardo Yambao be included in the watch list of the Immigration because we have seen Mrs. Ligot travel 42 times so we must put her on the watch list order so that we can be informed if she intends again to take 43rd trip,” giit ni Drilon. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply