Mag-iina minasaker

CATANDUANES – Patay ang isang ginang at dalawa niyang anak matapos pagtatagain ng lalaking pumasok sa kanilang bahay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, binawian ng buhay ang ginang na si Shiela Opancia, 34, at kanyang mga anak na sina Allan, 10, at Sam, 3.

Nabatid na tinangka pang isalba si Shiela sa Caramoan District Hospital sa bayan ng Caramoan ngunit nabigo rin ang mga manggagamot.

Sugatan naman ang isa pang anak ni Shiela at patuloy na nilalapatan ng lunas sa nabanggit na pagamutan.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng Catanduanes Police-Homicide Section, pinasok ng suspek na si Daniel Dizon ang tahanan ng mag-anak na Opancia sa Brgy. Bulalacao sa bayan ng Caramoan, kamakalawa ng dakong alas-6:00 ng gabi.

Biglang sinalakay nito ng taga ang mga nahintakutang mag-iina hanggang sa duguang humandusay ang mga ito sa sahig.

Natuklasan ng mga rumespondeng Caramoan Municipal Police Station (CMPS) operatives na may dalawang taga sa ulo ang ginang habang ang kanyang mga anak ay tinamaan naman sa kanilang mga braso at iba pang bahagi ng katawan.

Dakong alas-9 ng umaga nang madakip ang suspek sa  Brgy. Luba sa bayan ng San Andres. Nakapiit na si Dizon sa CMPS holding center habang inihahanda ng pulisya ang pormal na pagsasampa sa hukuman ng kasong multiple murder at frustrated murder laban sa suspek. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply