Mag-iina nakulong sa nasunog na bahay

NAGKAPUTOL-PUTOL ang katawan ng 3rd year high school student habang nagtamo naman ng second degree burn ang ina at kapatid nito matapos masunog ang kanilang bahay sa Hemingway St., Barangay 11, sa lungsod ng Roxas.

Ang biktima na agad na binawian ng buhay ay nakilalang si Jacky Cabania Pantaleon, habang malubhang nasugatan si Marilyn Pantaleon na ina nito at ang nakababatang kapatid na si Mary Jane.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na nakulong ang biktimang si Jacky sa ikalawang palapag ng kanilang bahay habang ang kapatid nito na si Mary Jane ay tumalon mula sa ikalawang palapag kung kaya’t nagtamo ito ng sugat sa binti.

Sa imbestigasyon ng Roxas City Bureau of Fire Protection, umabot sa P1.3 milyon ang iniwang pinsala sa pagkasunog ng bahay ng mga biktima at katabi nito. Evelyn Garcia

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply