Mag-ina binaril sa Pasay todas

PATAY ang isang mag-ina nang pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay ng dalawang magkaangkas sa motorsiklo Linggo ng hapon, Pebrero 13 sa Pasay City.

Wala nang buhay nang idating sa Pasay City General Hospital bunga ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina sina Rose Ann Vega, 23, at ang ina na si Rowena “Winnie” Umagto, 40.

Ayon kay SPO1 Joel Landicho ng Pasay City police, ang insidente ay naganap 2:00 ng hapon nang pasukin ng dalawang lalaki lulan ng isang motorsiklo ang kanilang bahay sa 114 Protacio/Cabrera sts., nasabing lungsod.

Sa hindi malamang dahilan, agad pinaputukan ng baril ang mag-ina na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Bago naganap ang insidente, sinabi ng asawa ni Rowena na si Rolando Victor na nakita niya si Rowena na may kausap na dalawang lalaki bandang umaga.

Umalis ang mga suspek at nang magbalik ay armado na ng baril saka pinaputukan ang mag-ina

Hindi naman umano nasabi ng biktima kung ano ang napag-usapan ng suspek at ni Rowena na hinihinalang may kaugnayan sa pagiging caretaker ng biktima sa parking area sa kanilang compound.

Nabatid pa na may nag-iinteres sa pwesto ng mag-ina bilang caretaker sa kanilang tinitirhan compound. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply