Mag-ina patay sa 10-wheeler truck

PATAY ang mag-ina nang salpukin ng rumaragasang ten-wheeler truck Lunes ng umaga, Pebrero 21, ang sinasakyang motorsiklo ng dalawa sa lungsod ng Zamboanga, ayon sa ulat ng pulisya.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang head-on collision sa kahabaan ng  Maria Clara Lobregat Highway sa nasabing siyudad.

Sa report ni Senior Insp. Elmer Acuña, pinuno ng police station 3, dead-on-the-spot sina Johana Arcillas, 21, habang idineklarang patay sa pagamutan ang anak nitong si John Patrick, 5.

Nabatid na si Arcillas Joahana ang nagmamaneho ng motorsiklo at angkas nito ang kanyang anak.

Ang drayber naman ng hauler truck ay si Eamil Tolentino.

Nangyari ang insidente sa Barangay Cabaluay.  Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply