Mag-ingat sa modus ng mga bumibiyaheng jeep sa MOA

SILIPIN natin ang modus operandi nitong isang gago’t kalahating driver ng isang jeep na ang plate number ay TYJ-234 na  biyaheng MOA  to Buendia, Pasay City. Magugulat kayo sa kakaibang modus operandi niya.

Mantakin ninyo, sa kasagsagan ng pasada niya ay bigla raw niyang inihinto ang kanyang jeep malayo pa sa MOA. Pagkatapos saka siya magsasalita sa kanyang mga pasahero na pag di raw magbabayad ang anim pang di nakababayad ay aabutin daw sila ng gabi sa lugar na kanilang pinaghintuan. Hindi ba’t isang gago at kalahati ang tsuper na  ‘yan?

Heto basahin natin ang reklamo sa text message.

Sir Johnny, gud pm po. Concerned citizen lang na nabiktima ng driver ng jeep na may biyaheng MOA to Buendia. Yung driver ng jeep na sinakyan namin ay bigla na lang kaming inihinto sa medyo malayo pa sa MOA tapos nagsalita ang tsuper na aabutin daw kami ng gabi dun kung hindi raw magbabayad yung anim pang di pa nakababayad. Kaya shocked kaming lahat  na nakasakay sa jeep na yun dahil lahat naman sa tingin ko ay nakabayad na. Ang pinagtakhan lang namin, bakit 6 ang sabi niyang hindi pa bayad? Ang dami naman. Kaya ang hinala  naming mga pasahero ay modus operandi nila yun. Kung mayroon mang  di pa bayad ay di naman ganun karami. Kaya sana pakiobserbahan  ninyo itong driver na ito. Kawawa naman ang mga magiging pasahero niya. Ang plate # ng jeep niya ay TYJ-234.

May go-signal na kaya sila?

Sige pa rin sa panghihingi ng “timbre” sa mga pasugalan at club  sina Erick Santiago, Boy Go at Jess Duling gamit ang NAPOLCOM at DILG. Hindi ko lang alam kung binigyan na sila ng go-signal ni DILG Sec. Jesse Robredo para ipangolekta nila ang DILG?

Anomang reklamo o puna, itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.
Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply